Ang pagpaparada ay anumang paghinto ng sasakyan ng mayroon o walang drayber ng kahit man lang tatlong minuto. Gayunman, kung ikaw ay huminto ng higit sa tatlong minuto para ibaba ang mga pasahero o para magpasakay ng mga pasahero, o para magkarga o magbaba ng mga kargada, hindi ito makokonsiderang pagpaparada ayon sa Road Traffic Act.
Ang paghihinto ay anumang uri ng paghinto ng sasakyan ng mayroon o walang drayber ng kahit man lang tatlong minuto. Kung kailangan mong huminto sa isang matinding trapiko o bilang parte ng isang pag-manobra, ito ay hindi makokonsiderang paghihinto ayon sa Road Traffic Act.
Ang paghihinto at pagpaparada ay hindi puwede gawin sa isang nasabing lugar o sa isang nasabing paraan na nagdudulot ng peligro o sagabal sa trapiko.
Ang paghihinto o pagpaparada ay maaari lang maganap sa kanang bahagi ng kalsada sa direksyon ng trapiko. Sa mga kalsada na hindi masyado masikip ang trapiko na may one-way na trapiko, paghihinto o pagpaparada ay maaaring maganap sa kaliwang panig. Kapag humihinto o pumaparada, ang sasakyan ay dapat nasa longitudinal na direksyon sa panlabas na gilid ng traffic lane o, kung posible, sa labas ng traffic lane. Kapag humihinto o pumaparada sa isang paradahan, na nasa labasan ng isang lugar na lubos na napakaraming mga gusali at nakapuwesto nang nakadikit sa isang kalsada, kung posible, dapat gamitin ng drayber ang paradahan na matatagpuan sa kanan ng direksyon ng trapiko.
Ang paghihinto o pagpaparada ay hindi maaaaring gawin sa mga daanan ng bisikleta, mga pedestrian lane, o panlabas na gilid o sa kalsada. Ang parehong gawain ay dapat din sundin sa central reserve, mga island ng trapiko at katulad na mga lugar. Sa labas ng isang lugar kung saan siksikan ang mga gusali, ang isang sasakyan, na kung saan ang gross na timbang ay hindi lampas sa 3,500 kg, ay maaaring huminto o pumarada sa lahat o isang bahagi ng sasakyan sa panlabas na gilid o na ang parte ng sasakyan ay nasa kalsada. Ang unang punto ay hindi ipapataw sa mga bisikleta o mga moped na may dalawang gulong.
Kapag iniwan ng drayber ang sasakyan, kailangang tiyakin na ang sasakyan ay hindi makakaandar mag-isa. Dapat din gawin ng drayber ang mga kinakailangan na pag-iingat para matiyak na ang sasakyan ay di magagamit ng ibang walang pahintulot na gumamit nito. Kailangang i-on ang isang mandatory na anti-theft device. Mapagpapasyahan ng Minister of Transport ang mga regulasyon ang mga uri ng locking device ang dapat na gamitin.
Ang pagbubukas ng mga pintuan ng sasakyan, pagsasakay o pagbababa at pagkakarga o pagbababa ng karga ay dapat gawin sa isang paraang hindi magdudulot ng peligro o di kinakailangang sagabal.
Ayon sa karatula, ipinagbabawal ang paghihinto sa traffic lane, na hindi dapat maganap bilang konsiderasyon sa trapiko. Ang mas detalyadong nilalaman ng regulasyon ay maaaring ipahiwatig sa plate sa ibaba ng No Stopping na karatula. Halimbawa, maaaring ipahiwatig na ang No Stopping ay gagamitin lang sa ilang mga araw kapag Sabado at Linggo o sa loob ng isang partikular na oras at sa labas ng mga limitasyon na ito, hindi puwedeng pumarada o may limitasyon ang pagpaparada.
Kung saan ang mga regulasyon sa Section 28, item 1 o Section 29 ng Road Traffic Act ay mas mapagbawal sa mga regulasyon kaysa sa nakasaad sa mga karatulang ito, ang batas ang unang dapat sundin.
Ang mga regulasyon na nakasaad sa binanggit na mga karatula ay gagamitin lang sa parte ng kalsada kung saan nakalagay ang mga karatula. Samakatuwid, walang pagbabagong magaganap sa tuntunin sa Section 28, item 2 ng Road Traffic Act.
Ang mga regulasyon ay ipapataw sa direksyon ng pagmamaneho sa tabi ng kalsada kung saan nakalagay ang karatula hanggang sa susunod na junction, maliban na lang kung may ibang karatula na nakalagay bago ang junction para sa paghinto o pagpaparada o may iba pang itinuturo ng isang arrow sa plate sa ibaba.
Ipinagbabawal sa karatula ang pagpaparada sa daanan. Ang mas detalyadong nilalaman ng regulasyon ay maaaring ipahiwatig sa plate sa ibaba ng No Parking na karatula. Halimbawa, maaaring ipahiwatig na ang No Parking ay gagamitin lang sa ilang mga araw kapag Sabado at Linggo o sa loob ng isang partikular na oras at sa labas ng mga limitasyon na ito, maaaring may limitasyon ang pagpaparada.
Kung saan ang mga regulasyon sa Section 28, item 1 o Section 29 ng Road Traffic Act ay mas mapagbawal sa mga regulasyon kaysa sa nakasaad sa mga karatulang ito, ang batas ang unang dapat sundin.
Ang mga regulasyon na nakasaad sa binanggit na mga karatula ay gagamitin lang sa parte ng kalsada kung saan nakalagay ang mga karatula. Samakatuwid, walang pagbabagong magaganap sa tuntunin sa Section 28, item 2 ng Road Traffic Act.
Ang mga regulasyon ay ipapataw sa direksyon ng pagmamaneho sa tabi ng kalsada kung saan nakalagay ang karatula hanggang sa susunod na junction, maliban na lang kung may ibang karatula na nakalagay bago ang junction para sa paghinto o pagpaparada o may iba pang itinuturo ng isang arrow sa plate sa ibaba.
Ang paghihinto o pagpaparada ay hindi maaaring gawin:
Hindi pinapahintulutan ang pagpaparada dito:
Maghanda para sa theory test
Ikaw ay magkakaroon ng mga access sa higit sa 1,000 opsyon ng multiple choice. Ang aming mga theory test ay sinubukan sa higit sa 140 mga estudyante bago namin ito inilunsad. Ang lahat ay pumasa sa unang pagsubok.
Kung ang sasakyan ay inihinto o naparada sa isang lane na nasa kalsada mismo, sa isang espasyo para sa pagma-maniobra o katulad nitong lugar, o sa loob ng 2 metro mula sa pinakamalapit na track, ang drayber ay hindi puwedeng malayo mula sa sasakyan, ngunit ang drayber dapat magkaroon ng malay parati sa anumang trapiko sa track. Kapag makikita o maririnig na ang isang tren o may iba pang sasakyan na papalapit sa riles, dapat na alisin ng drayber ang kaniyang sasakyan kahit hindi siya inutusan na gawin ito.
Kung, sanhi ng isang aksidente ng sasakyan, hindi pag-andar ng motor o sanhi ng iba pang dahilan, ang sasakyan ay huminto sa isang lugar kung saan ipinagbabawal ang paghihinto o pagpaparada, ang sasakyan ay dapat alisin sa lalong madaling panahon at ilagay sa isang naaangkop na lugar maliban na lang kung iba ang nakasaad sa mga regulasyon sa Section 9 (Mga Obligasyon sa kaganapan ng isang aksidente sa trapiko). Kung ang sasakyan ay huminto sa isang lugar o sa isang paraan na ito ay nagdudulot ng panganib o sagabal sa trapiko, dapat na magsagawa ng mga nararapat na pag-iingat ang drayber para bigyang babala ang iba pang mga gumagamit ng daan kung ang sasakyan ay hindi maaalisin alisin kaagad. Ang mga de motor na sasakyan, maliban sa mga dalawang gulong na moped at mga bisikleta na walang side-car, at pati na rin ang mga trailer, ay dapat markahan ng isang trianggulong warning device. Ito ay dapat iposisyon para mabigyang babala sa angkop na panahon ang mga papalapit na sasakyan. Pinagpapasyahan ng Ministrer of Transport ang mga detalyadong tuntunin tungkol sa warning device at sa pagpoposisyon nito.
Kung ang sasakyan ay huminto sa isang krosing ng tren o iba pang krosing, dapat din kumilos nang may nararapat na pag-iingat ang drayber para makapagbibigay babala sa mga drayber ng tren at iba pang mga sasakyan sa riles kung ang sasakyan ay di malilipat kaagad.