Mga Online na User: 14
top

Mga regulasyon sa traioko

Motorway at carriageway


 

Mga espesyal na tuntunin para sa trapiko sa mga motorway at carriageway

Ang trapiko sa mga motorway at carriageway at pati na rin kapag papapalit at sa mga labasang daan papunta/mula sa mga nasabing kalsada, ay maaari lang maganap sa mga de motor na sasakyan na, sa isang pantay na kalsada ay puwede o kailangang imaneho na may tulin na 50 km kada oras at hindi mas babagal dito.

Item 2. Anuman ang nakasaad sa item 1, maaaring pahintulutan ng pulis ang pagmamaneho ng isang flatbed truck kung ang pag-aandar o transportasyon, na may pangangatuwiran, ay di magagawa sa ibang paraan.

Item 3. Anuman ang nasa item 1, mapapahintulutan ng pulis ang pagmamaneho bilang parte ng gawain sa trabaho mula sa pinakamalapit na pasukan hanggang sa pinakamalapit na labasan sa mga motorway at mga carriageway sa mga “fixed link” (mga tulay at tunnel) sa iba pang mga de motor na sasakyan kaysa doon sa mga bianggit sa ilalim ng mga item 1 at 2, kung may pangangatuwiran na ang pagmamaneho ay hindi magagawa sa iba pang paraan. Ang pahintulot na makapagmaneho ng isang moped sa mga binanggit na kahabaan ng kalsada ay di puwede ibigay.

Item 4. Maaaring itakda ng Danish Minister of Transport ang mga tuntunin sa pagmamaneho ng mga de motor na sasakyan sa mga motorway at carriageway ayon sa item 3. Kasunod na negosasyon sa Minister of Justice, maaaring itakda ng Danish Minister of Transport ang mga regulasyon sa pagbabayad para sa tulong ng pulis, na ayon sa pagtatantiya ng pulis, ay kinakailangan para sa pagpaatupad ng nasabing transportasyon.

Section 45. Ang pagmamaneho sa isang motorway at carriageway ay maaari lang gawin sa simula ng isang motorway at carriageway o sa daan para sa espesyal na naitakdang mga papasok na kalsada.

Item 2. Ang pagmamaneho paalis sa isang motorway ay maaari lang gawin sa katapusan ng isang motorway o sa daan para sa espesyal na naitakdang mga labasan na kalsada.

Section 46. Ang pagmamaneho sa ibabaw ng mga central reservation (island) o sa gitna ng mga bukasan sa mga ito ay hindi pinapahintulutan.

Item 2. Sa mga motorway at approach at labasan na kalsada sa mga nasabing motorway, ang pag-U turn o pag-aatras ay hindi pinapahintulutan. Ang paghihinto o pagpaparada sa labas ng nasabing paradahan o mga lay-by ay hindi pinapahintulutan. Ang paghihinto sa may emergency phone ay, gayunman, pinahihintultuan kung nakikita na gumagamit ng emergency telephone. Maaaring itakda ng Danish Minister of Transport ang mga tuntunin sa paminsang-minsang paghihinto at pagpaparada ng mga sasakyang pantrabaho na hindi naman nagtatrabaho sa kalsada.

Item 3. Kung may tatlo o higit pang mga lane sa parehong direksyon ng trapiko, mga kotse na ang gross weight ay higit sa 3.5 tonelada at mga pinagsamang sasakyan, ang haba ay higit sa 7 metro, maaari lang gamitin ang isa sa dalawang lane sa dulong kanan maliban na lang kung tinukoy sa Section 16, item 1.

Item 4. Ang mga paggagawa o trabaho sa mga motorway, at pati na rin sa mga pasukan at labasan na kalsada sa nasabing mga motorway, ay dapat gawin nang may lubos na pag-iingat. Ang mga sasakyan na ginamit para sa mga pag-aayos sa kalsada ay dapat gumamit ng isa o higit pang mga lampara na malinaw na nakikita sa lahat ng mga direksyon at magpaktia ng mga patay-sindi na mga kulay dilaw na pailaw. Kung hindi sakop sa Section 44, item 1, kailangan nilang magmaneho papunta at paalis mula sa lokasyon ng ginagawang trabaho sa pamamagitan ng pinakamalapit na kalsada ng pasukan at labasan.

Section 47. Kung ang isang sasakyan ay sapilitang pinahinto sanhi ng isang aksidente sa kalsada, hindi gumaganang motor ng sasakyan o iba pang dahilan, kailangang iposisyon ang sasakyan hangga’t maaari sa pinakadulong tabi ng kalsada at tapos ay alisin mula sa motorway maliban na lang kung nakasaad sa mga regulasyon sa Section 9. Kung ang sasakyan ay hindi inalis kaagad mula sa roadway, ang drayber ay dapat magsagawa ng mga kinakailangang pag-iingat para bigyang babala ang iba pang mga gumagamit ng kalsada, basahin ang Section 31, item 2, mga point 3-5. Ang pag-aayos ng sasakyan sa site ay maaari lang gawin kung kinakailangan, paara maalis ang sasakyan mula sa motorway sa lalong madaling panahon. Habang ginagamit ang emergency telephone, kailangang ilagay ang sasakyan sa labas at malayo sa kalsada hangga’t maaari.

Item 2. Kung, para makapagsagawa ng mga pag-aayos sa site mismo, basahin ang item 1, point 3, kinakailangan na gamitin ang isang parte ng kalsada, kailangang ipagbigay alam sa pulis bago simulan ang pag-aayos at magpapasya sila kung maaari nang umpisahan ang pag-aayos sa site mismo. Dagdag pa dito, kailangang paunang pagsabihan ang pulis kung ang pag-aalis ng sasakyan ay isasagawa sa pamamagitan ng paggamit ng isang parte ng kalsada.

Item 3. Maaaring itakda ng Danish Minister of Transport ang mga tuntunin sa paggamit ng isag mobile sign na sasakyan at iba pang mga marka sa pag-aalis ng isang sasakyan at ang pagsasagawa ng pag-aayos sa site mismo.


Motorway

Ipinapahiwatig ng karatula ang haba ng kalsada kung saan ipapataw ang mga espesyal na tuntunin sa pagmamaneho sa isang motorway at sa paglalapit/paglabas sa mga kalsada papunta/mula sa isang motorway, basahin ang Road Traffic Act, Sections 44-47.


Carriageway

Ipinapahiwatig ng karatula ang haba ng kalsada kung saan ipapataw ang mga espesyal na tuntunin sa pagmamaneho sa isang carriageway at sa paglalapit/paglabas sa mga kalsada papunta/mula sa isang carriageway, basahin ang Road Traffic Act, Section 48.