Mga Online na User: 19
top

Mga tuntunin sa trapiko para sa mga drayber

Pagmamaneho nang malapit sa isang bus stop


 

Ang mga drayber na papalapit sa isang hintuan ng bus sa isang lugar kung saan maraming mga gusali at pinaghintuan ng bus ay dapat, kung ipinakita ng drayber ng bus na siya ay umaandar, magbawas ng tulin at, kung kinakailangan, huminto para makaalis ang bus sa hintuan ng bus. Gayunman, ang drayber ng bus ay may obligasyon na ipakita ang ganap na pag-iingat para makaiwas sa panganib.

Ang mga drayber na papalapit sa isang school bus na huminto para magsakay o magbaba ng mga pasahero, ay dapat magpakita ng partikular na kamalayan sa mga nagaganap sa kapaligiran. Ang parehong tuntunin ay ipinapataw kapag ang isang school bus ay umalis na sa isang lokasyon. Dapat na may lubos na kamalayan ang drauber kung may mga bata sa kalsada o sa mga lugar na malapit sa kalsada.