Ang mga gumagamit ng kalsada na dumadaan sa ibabaw ng krosing ng riles ng tren ay dapat mag-ingat nang husto. Walang trapiko dapat sa ibabaw ng krosing ng riles ng tren kapag nakita o narinig na may papalapit o parating na tren. Dapat ayusin ng mga drayber ang tulin ng pagmamaneho nila para kung kinakailangang huminto, ay magagawa nila ito bago umabot sa riles. Ang pagtatawid sa riles ay dapat mangyari nang walang di kinakailangang pagkakaantala.
Item 2. Ang mga gumagamit ng kalsada ay hindi maaaring tumawid sa krosing ng riles kapag:
Item 3. Kailangang huminto sa isang sapat na distanya mula sa riles at bago ang senyales o harang.
Item 4. Ang mga item 1-3 ay ipinapatupad rin sa krosing ng iba pang mga krosing at sa pagmamaneho sa ibabaw o sa riles na nasa mga kalsada, daungan ng ferry o mga katulad na lugar nang walang marka, gayunman, na hindi sa mga light rail na riles.
Item 5. Maaaring itakda ng Danish Minister of Traffic ang mga regulasyon kung saan ang mga hakbang sa kaligtasan ay dapat sundin kapag tumatawid sa mga krosing ng riles na may:
Ang panganib na maaksidente ay lubos na mataas sa mga krosing ng riles ng tren na walang harang o barrier.
Ang mga krosing ng riles ng tren na may barrier ay mas ligtas kaysa sa mga krosing na may pailaw at senyales lang, pero sa lahat ng mga pangyayari, dapat magkamalay na maaari rin hindi umandar nang maayos ang mga teknikal na pamamaraan.
»Railway crossing without barrier« (krosing ng riles na walang harang), posibleng may plate sa ibaba ng karatula na »Look out for trains« (Mag-ingat sa mga tren) o »Advanced warning to stop« (Paunang babala na huminto), ay nagbibigay babala na may papalapit na krosing ng riles.
»Railway crossing with barrier« (Krosing ng riles na may harang) ay nagbibigay babala sa papalapit na krosing ng riles.
»Stop« (Huminto) ay nagsasabing ang mga drayber ay dapat huminto bago ang krosing ng isang riles ng tren.