Mga Online na User: 19
top

Mga Madalas na Katanungan (FAQ)

Order at application


 

Order at kabayaran

Hindi gumagana ang aking password. Ano ang dapat kong gawin?

Ang problema ay maaaring:

  • Maling paggamit ng iyong password. (Bilang proteksyon sa iyong maling paggamit, ang iyong password ay isasara kung narehistro ng system ang di wastong paggamit nito. Isang bagong password ang awtomatikong ipapadala sa iyong email address)
  • Mali ang pagkakalagay mo ng password
  • Nag-expire ang password.
  • Nasa maling kategorya ka. Tiyakin kung ikaw ay nasa pahina ng CAR o  MC. (Mayroon ka ng mga opsyon na ito sa www.teoriklar.dk o  www.mc.teoriklar.dk )
  • Maling wika ang napili mo. (Maaari mong piliin ang wika sa itaas na kanang sulok)
  • Maling kategorya o wika ang nabili mo
May naganap na error habang nagbabayad, ano ang dapat kong gawin?

Kung nakumpleto ang iyong bayad at ang halagang na-withdraw mula sa iyong account, sa gayon ang iyong password ay ipapadala sa iyong email kung i-click mo ang “Nakalimutan ang password?” kapag nag-log in.

Bakit hindi ko pa natatanggap ang aking password?
  • Ang error ay maaaring dahil mali ang pagkakalagay mo ng iyong password
  • Tingnan sa iyong spam/junk mail folder, baka doon ito napapunta
  • Ang error ay maaaring dahil rin ang iyong bayad ay hindi nakapasok

Kung ang bayad ay na-withdraw mula sa iyong account at hindi ka nakatanggap ng password, sa gayon ay mangyari lang makipag-ugnayan sa amin sa pamamagitan ng email: kundeservice@teoriklar.dk

Bakit na-withdraw ang halaga ng higit sa isang beses sa aking account? Ano ang dapat kong gawin?

Ipadala ang sumusunod na impormasyon sa kundeservice@teoriklar.dk:

  • Petsa nang binili
  • Ang huling 19 digit ng order number na natanggap mo sa email address na ginamit noong ikaw ay bumili

Mangyari lang tandaan na hindi kami nagsasauli ng bayad para sa mga gamit nang password.

Ligtas bang gamitin ang aking credit/debit card sa teoriklar.dk?

Oo, ligtas na gamitin ang iyong credit/debit card sa teoriklar.dk

Walang panganib kapag hindi ginagamit ang iyong Dankort, Visa/Dankort, Visa Electron o Master Card sa teoriklar.dk, habang ginagamit namin ang tinatawag na SSL connection para matiyak na walang “nagsusubaybay” sa numero ng iyong card o iba pang data na inilipat sa teoriklar.dk, dahil ang pag-transfer ay isinasagwa gamit ang isang encrypted na data. Bilang dagdag pa, ang teoriklar.dk ay may mahihigpit na mga kasunduan na nagtatakda ng matataas na demand para sa seguridad ng aming website.

Ang iyong payment data ay hindi rin itinatabi ng teoriklar.dk. 

Gayunman, habang inilalagay ang iyong pangalan, address at iba pang impormasyon sa pagde-deliver, ang koneksyon ay hindi encrypted. 

Madaling bumili

Kapag ikaw ay bumili ng password sa teoriklar.dk, kailangan mo lang ilagay:

Ang iyong pangalan, num. ng mobile phone para sa pagde-deliver ng password sa pamamagitan ng text message (libre). Email, numero ng card, petsa ng expiration, tiyakin ang mga digit at hindi ang iyong PIN code. Mas pinapadali at mas ligtas ito para sa iyo kapag namimili sa teoriklar.dk.

Bakit hindi nakumpleto ang aking pagbabayad gamit ng credit card?
  • Maaaring may limitasyon sa credit sa iyong account
  • Maaaring nagkamali ka sa numero ng card o sa petsa ng expiration 
  • Ang iyong card ay maaaring kamakailan lang ginamit at hindi pa na-activate
  • Kailangan mong lagyan ng tsek ang “Tinatanggap ko ang mga tuntunin at kondisyon”

Kailangan mong tiyakin na nailagay mo ang maraming mga numero na nasa unahan ng iyong credit card (parehong panig kung saan nakasulat ang iyong pangalan). Dagdag pa dito, mahalaga na ilagay mo kung kailan mag-e-expire ang iyong card (na matatagpuan rin sa unahan ng iyong credit card). Ang check digits ay ang huling tatlong digit sa likod ng iyong credit card (ang panig kung nasaan ang iyong lagda).

Ano ang kaibahan sa pagitan ng Gold, Silver at Bronze na mga package?

Ang lahat ng mga package ay naglalaman ng parehong mga theory test. Ang kaibahan ay nasa tagal ng panahon na aktibo ang password. Ang mga package ay hindi mga pisikal na package, pero sa halip ay eksklusibong mga online na theory test.

Gaano katagal bago ko matanggap ang aking password, makalipas akong mag-order?

Ang iyong password ay ilalagay sa screen kaagad, pagkatapos mong magbayad (tandaan na isulat ito). Ang password ay ipapadala rin bilang text message sa iyong mobile phone o sa iyong email.

Mali ang bilang ng mga araw na nabili ko. Ano ang dapat kong gawin?
  • Mangyari lang tandaan na hindi kami nagsasauli ng bayad para sa mga gamit nang password.  
  • Kung hindi ka nag-log in sa teoriklar.dk gamit ang iyong password, maaari mong isauli ang email na natanggap mo kung saan nakasaad ang iyong password at sabihin sa amin kung ilang araw ang tunay mong kailangan.
  • Hindi posibleng kanselahin ang pagbili ng isang password at ipasauli ang binayad para sa buong halaga.
Karapatan na mag-kansela

Mangyari lang tandaan na ang karapatan na magkansela ay HINDI ipinagkakaloob sa mga digital na produkto.

Paggamit

Bakit ako nagkakaproblema sa audio?

Ang problema ay maaaring sanhi ng:

  • hindi mo nilakasan ang volume
  • hindi mo na-update ang iyong browser
  • walang naka-install na audio unit sa iyong computer
  • ang audio unit ay ginagamit ng ibang programa,
  • kaya’t hindi tama ang paggana nito.
  • Maaari rin may maganap na error sa audio/graphics kung wala kang mas bagong version ng iyong browser
  • subukan ang iba pang browser, hal. Mozilla Firefox na mas mainam na gumagana sa teoriklar.dk
Bakit hindi sabay ang audio sa larawan?

Ang system ay gumagana sa paraan kung saan kapag nagsimula ka sa isang theory test, sa kabuuan ay kailangan mo rin i-download ang mga larawan at audio. Samakawutid, kailangan ay maganda ang internet connection mo. Gaanoman kabilis ang iyong internet connection, may mga oras na kailangan ng mas matagal na panahon. Ang problema ay maaaring sanhi ng mga problema sa network namin o ng iyong provider, pero madalas ay ang mga add-in na programa, (ang mga add-in na programa sa browser, hal. Multimedia add-in na mga programa, mga search panel o iba pan gmga programa na karaniwang ipinapakita sa tool bar ng browser), ang laki ng memorya ng computer, ang espasyo sa hard disk at kondisyon ng mga programa na umaandar sa background nang sabay kapag ikaw ay nasa teoriklar.dk.

Mga tip sa mga user ng mga wireless na network

Kapag naitatag mo na ang iyong koneksyon sa isang wireless network (Wi-Fi), ang tulin ng internet connection ay naaapektuhan kung saan nakalagay ang computer at kung may iba pang mga wireless na unit sa parehong lugar. Lumapit sa may access point para mapahusay ang tulin ng connection at tiyakin na walang mga pisikal na sagabal sa pagitan ng access point at ng computer.

Kahit na nasagutan ko ng tama ang lahat ng mga tanong, hindi ito pumupula, dumidilaw o nagiging kulay berde. Ano ang mali kong nagawa?

Kailangan ay walang tsek sa tabi ng Resulta sa pagitan ng mga tanong (walang punto) (Naglagay ka ng tsek sa tabi ng Resulta sa pagitan ng mga tanong (walang punto)).

Bakit 11 lang ang mga theory test?

Ang Teoriklar.dk ay nagpasya na gamitin ang parehong mga situwasyon na maaasahan mo sa panghuling theory test ng pulis. Siyempre pa, maaari namin mapalawak ang aming mga theory test at gawin itong daan-daan, pero walang saysay ito at sayang lang sa panahon, tulad nang nabanggit na, ang mga haka-hakang situwasyon namin ay katulad ng panghuling theory test ng pulis. Pumasa sa mga theory test ng Teoriklar at ikaw ay magiging lubos na handa para sa panghuling theory test

Maaari ko bang makita ang mga test at larawan kung saan ako nagkamali?

Oo, sa sandaling tapos na ang theory test, may ipapakitang malawakang pananaw (overview) ng lahat ng mga larawan. Sa pamamagitan ng pag-click sa larawan na may kulay pulang frame, makikita mo ang mga tanong, ang mga wastong sagot at paliwanag.