Section 53. Sa pag-inom at pagmamaneho, ang taong nagmamaneho o sinusubukan na magmaneho ng isang de motor na sasakyan ay minumultrahan makalipas na makainom ng alak hanggang sa sukdulan na ang concentration ng alak sa dugo habang o pagkatapos magmaneho ay higit sa 0.50 ang level ng alak sa dugo, o ang concentration ng alak gamit ang breathalyser habang o pagkatapos magmaneho ay higit sa 0.25 mg kada litro ng hangin.
Item 2. Dagdag pa dito, sa pag-inom at pagmamaneho, ang taong nagmamaneho o sinubukang magmaneho ng isang de motor na sasakyan pagkatapos makainom ng alak hanggang sa sukdulan na ang tao ay hindi na kayang makapagmaneho ng sasakyan sa isang nararapat na paraan.
Section 54. Ang isang de motor na sasakyan ay hindi maaaring imaneho o subukan na imaneho ng sinuman na ang dugo, habang o pagkatapos magmaneho, ay may mga substance na napapaiba sa kamalayan ng tao na, ayon sa mga itinakdang pangkat ng mga tuntunin ng Danish Minister of Transport, ay nauri bilang mapanganib para sa kaligtasan ng trapiko at hindi iniinom alinsunod sa isang legal na reseta. Ang point 1 ay ipinapataw sa mga katulad na substance na ininom ng tao alinsunod sa isang legal na reseta, kung ang pag-inom ay naganap nang umaalinsunod sa reseta.
Item 2. Ang isang de motor na sasakyan ay hindi puwedeng imaneho o subukan na imaneho ng sinumang, sanhi ng isang sakit, kahinaan, pagpipilit sa pagkilos, kulang sa tulog, nasa ilalim ng impluwensya ng lubos na nakakasaya o nakaka-kalma na mga substance o, sa mga katulad na dahilan ay nasa kondisyon na hindi niya magawang magmaneho ng sasakyan sa isang ganap na wastong paraan.
Item 3. Isang bisikleta, carriage ng kabayo o kabayo ay hindi maaaring imaneho o sakyan o subukan na imaneho o sakyan ng sinumang, sanhi ng mga kadahilanang binanggit sa item 2, o bilang resulta ng impluwensya ng alak, ay nasa kondisyon na hindi niya kayang imaneho ang sasakyan o sumakay sa kabayo sa isang wastong paraan.
Item 4. Ang pagpapabaya ng pagmamaneho o ng kabayo sa isang tao na, sanhi ng mga dahilan na binanggit sa ilalim ng item 2 o sanhi ng impluwensya ng alak, ay nasa isang kondisyon na hindi niya makakayanang magmaneho ng sasakyan o sumakay sa kabayo sa isang wastong paraan, ay ipinagbabawal.
Item 5. Kung ang isang tao sa isang restaurant o iba pang lokasyon na nagsisilbi ng pagkain at inumin na mayroong access ng publiko, ay nakainom ng alak at ang punong abala o ang kaniyang mga kasamahan sa trabaho ay alam o may dahilan para paniwalaan na ang nasabing tao ay ang drayber ng sasakyan o sumasakay sa isang kabayo at, sanhi ng pag-inom ng alak ay hindi maaaring magmaneho sa sasakyan o sumakay sa kabago sa isang wastong paraan, ang punong abala o kasamahan sa trabaho ay dapat tumawag sa pulis, subukang pigilan ang nasabing tao mula sa pagmamaneho ng sasakyan o pagsakay sa kabayo.
Maghanda para sa theory test
Ikaw ay magkakaroon ng mga access sa higit sa 1,000 opsyon ng multiple choice. Ang aming mga theory test ay sinubukan sa higit sa 140 mga estudyante bago namin ito inilunsad. Ang lahat ay pumasa sa unang pagsubok.
Kahit kailan, maaaring hilingin ng pulis na ang drayber ng sasakyan o sumasakay ay mag-sumite ng sampol ng isang breathalyser, ng laway o pawis o pahintulutan na suriin ang kaniyang mga mata. Maaaring i-utos ng pulis na magsumite ng isang sampol ng breathalyser sa iba pang lokasyon na iba pa kung saan naabutan ang nasabing tao kung may paniniwala na ang tao ay lumabag sa mga regulasyon.
Item 2. Maaaring mag-prisinta ang pulis ng tao para kuhanan ng sampol ng dugo at ihi kung may dahilan para paniwalaan na siya ay lumabag sa Section 53 o Section 54 na mga item 1, 2 o 3 o tumanggi ito o ayaw makiis sa pagkuha ng sampol ng breathalyser, laway, pawis o pagsusuri sa mata. Kung ang paghihinala ay nakakaugnay ng iba pang ga isyu maliban doon sa nasa ilalim ng impluwensya ng alak, maaari rin iprisinta ng pulis ang nasabing tao para masuri ng doktor. Ang parehong tuntunin para sa paghihinala na nasa impluwensya ng alak kapag kinakailangan ito sa mga natatanging pangyayari.
Item 3. Kung may paraan para ipalagay ang posibleng panganib na dulot ng taong umiinom at nagmamaneho o lumalabag sa Section 54, mga item 1 o 2, gayunman, maaaring kumpiskahin ng pulis ang driving license ng tao kung may dahilan upang paniwalaan na ang tao ay lumabag sa Section 53 o Section 54, mga item 1 o 2.
Item 4. Pinagpapasyahan ng Minister of Justice ang mga regulasyon ng mga pagsusuri at eksaminasyon na binanggit sa ilalim ng mga item 1 at 2. Pinagpapasyahan rin ng Minister of Justice ang detalyadong mga regulasyon sa pagkompiska ng pulis sa driving license, basahin ang item 3 at ang access ng pulis sa pagsasali ng driving license sa kondisyon na ang gumagamit ng lisensyang ito ay magsusumite ng isang sampol ng breathalyser, laway o pawis o pumayag na masuri ang kaniyang mga mata.