Mga Online na User: 9
top

Ang maliit na theory book

Field ng Road Traffic Act
at mga depinisyon


 

Larangan ng abtas

Ipinapataw ang batas kung saan hindi tinitiyak ng iba para sa trapiko sa mga kalsada na ginagamit para sa ordinaryong trapiko ng isa o higit pang mga uri trapiko.


Mga depinisyon

1. Axle load (Kargang ehe o axle)

ang kargada na inililipat sa kalsada mula sa mga gulong na nasa axle o ehe.

2. Kotse

ang mga de motor na sasakyan na mayroong apat o higit pang mga gulong o may mga belt, cylinder, runner o katulad ng mga ito, at pati na rin ang mga de motor na sasakyan na may tatlong gulong kung ang dead load o karga mismo ay humigit sa 400 kg.

3. Flatbed na trak

ang mga de motor na sasakyan o pinagsamang mga sasakyan na ang timbang, karga na axle o ehe, dimensyon o iba pang konstruksyon na hindi isinasama ang sasakyan mula sa pagrerehistro at nilalayon para sa transportasyon ng tiyak na mabigat o bulky na goods.

4. Dead load (kargada mismo)

ang timbang ng sasakyan na may mga accessory na karaniwang kasama ng sasakyan. Ang timbang mga operating equipment, kasama ang gasolina, lubricant at coolant nito, at pati na rin ang drayber ay hindi kasama sa dead lad.

5. Pedestrian crossing

ang parte ng kalsada na tiyak sa mga pedestrian kapag dumadaan sa kalye o cycle track at may tiyak na marka.

6. Karapatan na magmaneho

ang karapatan na magmaneho ng isang de motor na sasakyan kung saan kinakailangan ang isang driving license maliban na lang sa maliit na moped.

7. Moped

isang dalawa o tatlong gulong na sasakyan na may internal combustion engine na may cylinder volume na hindi hihigit sa 50 cm3 o may de kuryenteng motor na may tiyak sa construction na maximum speed na pinakahigit na ang 45 km kada oras. Ang mga moped ay mauuri bilang malaking moped na may tiyak sa construction na maximum speed na higit sa 30 km kada oras at isang maliit na moped na may tiyak sa construction na maximum speed na pinakahigit na ang 30 km kada oras.

8. Slow lane (Mabagal na lane)

May espesyal na lane, na kung saan ang mabagal na takbong sasakyan ay pinapupunta sa pamamagitan ng mga senyas trapiko.

9. Lane

ang parte ng kalsada na tiyak sa mga nagmamaneho pero, gayunman, hindi kasama ang mga cycle track at bridle path. Ang mga tuntunin sa trapiko sa mga lane ay ipinapataw sa trapiko sa mga cycle track at mga bridle path.

10. Mga sasakyan

ang mga aparato sa gulong, belts, cylinders, runner o iba pa, na nilalayon para maimaneho sa mga kalsada at hindi nakakatakbo sa mga riles. Ang mga tuntunin sa trapiko para sa mga drayber ay ginagamit hanggang sa saklaw na magagamit ang mga ito, at para rin sa mga nakasakay sa kabayo at pati na rin iyong mga nagdadala ng kabago o herd cattle.

11. Light rail vehicle

Ito ay nangangahulugan na transportasyon na nilalayon sa paglilipat ng mga pasahero o para sa pagsasagawa ng trabaho sa mga light rail track, atbp. at umaandar sa sarili nitong light rail track sa mga kalsada sa isang closed light rail syste, hiwalay mula sa iba pang mga imprastraktura ng riles.

12. Takdang panahon para sa mga kahilingan sa pailaw

ang panahon mula bukang-liwayway kung dili kaya’y kaag ang gamit sa mga ilaw ng sasakyan ay sanhi ng kadiliman, fog, mist, ulan o katulad na hindi malinaw na tanawin ng daan o kondisyon ng ilaw ay kinakailangan, gawing madaling makita ang sasakyan sa iba pang nasa kalsada o bigyan ang drayber ng sapat na saklaw para makita.

13. Motorsiklo

ang mga de motor na sasakyan sa dalawang gulong, na mayroon o walang side car at de motor na sasakyan sa tatlong gulong, ang dead load na hindi humihigit sa 400 kg.

14. De motor na sasakyan

ang sasakyan na may angkop na motor bilang motive power. Para sa mga wheelchair na nilikha para sa tulin na hindi hihigit sa 15 km kada oras at sa pamamagitan lang ng mga malalaking pagbabago ay maaaaring mapabilis ang tulin, ang mga regulasyon sa bisikleta ay ipapataw kung saan walang iba pang natiyak. Ang mga de motor na sasakyan ay nauuri sa mga de motor na sasakyan, mga traktora, makinarya at moped.

15. De motor na sasakyan

ang de motor na sasakyan na ang pangunahing disenyo ay para independiyenteng magamit para sa transportasyon ng mga tao o goods. Gayunman, ang isang moped ay hindi matuturing na isang de motor na sasakyan. Ang de motor na sasakyan na nilikha para sa iba pang layunin at nilikha para sa tulin na higit sa 40 km kada oras, ay makokonsidera rin bilang isang de motor na sasakyan. Ang mga de motor na sasakyan ay mauuri sa motor car at motorsiklo.

16. Makinarya

Ang de motor na sasakyan na ang pangunahing disenyo ay bilang isang kagamitan at nilikha para sa hindi mas tutulin sa 40 km kada oras. Ang de motor na sasakyan ay tiyak na minamaneho ng isang pedestrian ay makokonsidera bilang isang makinarya.

17. Motorway at carriageway

mga daan na nakalaan para sa trapikong gamit ang mga de motor na sasakyan at minarkahan bilang motorway at carriageway, gamit ang mga senyas trapiko.

18. Pagpaparada

anumang lugar na para sa isang sasakyan na mayroon o walang drayber Ang paghihinto ng mas kaunti sa tatlong minuto, paghihinto para magsakay o magbaba, at pati na rin pagbababa o pagkakarga ng mga goods ay, gayunman, di matuturing bilang pagpaparada. Ang isang sasakyan na isinantabi, sanhi ng isang aksidente o teknikal na problema, ay di makakapagpatuloy sa pagmamaneho gamit ang sariling puwersa o di kayang magpatuloy sa pagmamaneho, ay makokonsidera na nakaparada ng 18 oras makalipas na naisantabi ito.

19. Mga trailer

sasakyan, na ayon sa sarili nitong disenyo ay hihilahin ng iba pang sasakyan. Ang mga trailer ay mauuri sa trailer, semi-trailer at iba pang trailer.

20. Iba pang trailer

iba pang trailer maliban sa isan trailer at semi-trailer. Ang mga caravan ay makokonsidera bilang ibang mga trailer.

21. Trailer

ang trailer, na ang pangunahing disenyo ay maglipat ng mga tao o goods. Gayunman, ang semi-trailer ay hindi kasama.

22. Side-car

isang sasakyan na iisa ang gulong na nakakonekta sa tabi ng isang may dalawang gulong na sasakyan at ang pangunahing disenyo ay maglipat ng mga tao o goods.

23. Semi-trailer

isang trailer na ang pangunahing disenyo ay ang paglilipat ng mga tao o goods at konektado sa paghihila ng sasakyan para ang sasakyan o ang load nito ay nakapatong ang isang parte sa humihilang sasakyan.

24. Gross weight

Ang kagyat na timbang ng sasakyan kasama ng operating equipment, drayber at kargada (aktuwal na gross weight) o ang pinahihintulutang pinakamabigat na timbang ng sasakyan na kasama ang operating equipment, drayber at kargada (pinapahintulutan na gross weight) kapag inirerehistro.

25. Gumagamit ng daan

sinumang bumibiyahe sa mga kalsada o nasa mga kalsada o sa sasakyan o light rail na sasakyan sa kalsada.

26. Traktora

isang de motor na sasakyan na ang pangunahing disenyo ay para hilahin ang iba pang sasakyan o kagamitan at nilikha para sa hindi mas tutulin sa 40 km kada oras.

27. Dense built-up area (Lugar na maraming gusali)

isang lugar o area, kung saan ang mga hangganan ay nakasaad gamit ang isang espesyal na marka.

28. Kalsada

isang kalsada, kalye, cycle track, pavement, kuwadrado, tulay, tunnel, passage, daan o katulad, ito man ay publiko o pribado.

29. Junction

isang junction, sumasangay na kalsada at katapusan ng kalsada.

30. Lane

alinman sa mga lane kung saan ang daan ay mahahati at ang bawat isa ay may sapat na lapad para magamit ng ilang mga sasakyang may apat na gulong.