Section 33. Sa pagmamaneho sa mga oras na kailangan ang pailaw, sapilitang dapat panatilihing nakabukas ang mga ilaw. Sa mga multi-combined na sasakyan, kinakailangan lang na panatliihing bukas ang mga ilaw sa likod ng isang pinagsamang sasakyan at ang ilaw sa plaka sa likod ng isang pinagsamang sasakyan.
Item 2. Ang full-beam na headlights ay dapat gamitin kapag ang saklaw na natatanaw ng drayber, nang ikinokonsidera ang tulin ng sasakyan, ay hindi sapat para sa ligtas na pagmamaneho.
Item 3. Ang full-beam na headlights ay hindi maaaring gamitin:
Item 4. Kung, ayon sa item 2, ang full-beam na headlight ay hindi kinakailangan, ang low-beam na headllights ay magagamit. Kung, ayon sa item 3, ang full-beam na headlight ay hindi puwedeng gamitin, ang low-beam na headllights ay dapat gamitin.
Item 5. Ang fog lights ay magagamit lang kapag may fog at malakas ang ulan at, sa nasabing pagkakataon, magagamit sa halip na ang inutos na headlights. Ang assistive headlights ay hindi maaaring gamitin para sa anumang iba pang layunin maliban sa nilalayon para dito.
Item 6. Ang headlights ay hindi maaaring gamitin para hindi masilaw ang iba pang mga drayber.
Item 7. Ang paggamit ng iba pang mga pailaw at iba pang reflector device maliban sa mga sapilitang dapat gamitin o iyong mga pinapahintulutan sa ilalim ng batas na ito o mga regulasyon na inihanda ayon sa batas ay ipinagbabawal.
Section 33 a. Kapag nagmamaneho sa labas sa oras na kinakailangang gumamit ng headlights, ang low-beam na headlights ay dapat gamitin sa mga de motor na sasakyan. Kapag nagmamaneho ng makinarya, gayunman ay ipinapataw lang ito, kung ang makinarya ay mayroong low-beam na headlights. Sa halip na mga low beam na headlights, magagamit ang fog headlights o ang espesyal na driving lights.
Item 2. Maaaring itakda ng Danish Minister of Transport ang mga tuntunin sa hindi pagkakasali sa tungkulin na gamitin ang low-bean na headlights, atbp. maliban sa mga paminsan-minsang pagmamaneho ng mga veteran na sasakyan at sa pagmamaneho ng mga sasakyan na sumasailalim sa konstruksyon o pag-aayos.
Item 3. Section 33, item 7, ay ginagamit rin sa pagmamaneho sa labas ng oras na kailangan ang pailaw.
Section 34. Ang mga sasakyan na hindi kailangang lagyan ng ilaw ay dapat, sa mga oras na kailangan ang pailaw, markahan ayon sa mga regulasyong naitakda ng Minister of Transport.
Item 2. Maaaring itakda ng Minister of Transport ang mga regulasyon sa pagmamarka para sa mga horse rider (nakasakay sa kabayo).
Section 35. Kung ang sasakyan ay huminto o pumarada sa kalsada sa oras na kinakailangan ang pailaw, ang parking lights, rear lights at ilaw sa plaka ng sasakyan ay dapat manatiling nakabukas. Maaaring itakda ng Minister of Transport ang mga regulasyon na pati na rin ang ibang mga ilaw maliban doon sa mga binanggit sa point 1 ay dapat o maaaring manatiling naka-bukas.
Item 2. Ang mga sasakyan na hindi kailangang lagyan ng ilaw ay dapat, sa mga oras na kailangan ang pailaw, markahan ayon sa mga regulasyong naitakda ng Minister of Transport kapag nakahinto o nakaparada sa kalsada.
Item 3. Iba pang mga ilaw na kasama doon sa mga item 1 at 2 ay hindi maaaring manatiling nakabukas.
Item 4. Kung ang isang de motor na sasakyan, ang haba at lapad na hindi lampas sa 6 metro at 2 metro ayon sa pagkakasunod ng binanggit, ay nakaparada sa may dulo ng kalsada sa isang lugar na maraming gusali, ang parking lights at rear lights lang na papaharap sa gitna ng kalsada ay dapat nakabukas maliban na lang kung ang sasakyan ay nakakabit sa iba pang sasakyan. Ang Minister of Transport ay maaaring itakda ang mga tuntunin na sa halip ay magagamit ang mga espesyal na side lights.
Item 5. Kapag humihinto o ipinaparada ang mga pinagsamang sasakyan, ang regulasyon sa Section 33, item 1, point 2 ay gagamitin.
Section 36. Ang section 35 ay hindi ipinapataw kung ang kalsada ay mainam ang pailaw na malinaw na nakikita ang sasakyan sa isang sapat na distansya o kung ito ay huminto o nakaparada sa isang paradahan o iba pang may markang area para maparadahan.
Item 2. Hindi kailangang buksan ang mga ilaw sa mga bisikleta, ang mga two wheeled na moped o two-wheeled na motorsiklo na walang side car, kung ang sasakyan ay nakaposisyon sa mas labas na gilid ng kalsada.
Maghanda para sa theory test
Ikaw ay magkakaroon ng mga access sa higit sa 1,000 opsyon ng multiple choice. Ang aming mga theory test ay sinubukan sa higit sa 140 mga estudyante bago namin ito inilunsad. Ang lahat ay pumasa sa unang pagsubok.
Tuwing kinakailangan para maiwasan o malayo sa panganib, kailangang tawagin ng mga drayber ang pansin ng ibang mga drayber sa posibleng panganib sa pamamagitan ng pagbibigay ng naririnig na babala, sa pamamagitan ng pagpapa-ilaw ng headlights o pagbibigay ng iba pang naaangkop na senyales. Habang oras na kailangan ng pailaw, ang mga drayber ng sasakyan ay dapat na gumamit ng mga senyales gawin ang ilaw sa halip na bumusina maliban kung hindi maiiwasan ang panganib. Ang sound signal o pagbubusina ay hindi magagamit sa labas ng mga pangyayari na binanggit sa una at ikalawang punto at hindi maaaring gamitin nang matagal kaysa sa kinakailangan. Ang senyales gamit ang ilaw ay ginagawa sa pamamagitan ng pag patay-sindi ng full-beam headlights o low beam headlights ng sasakyan.
Item 2. Kailangan gamitin ng mga drayber ang indicator (signal light) bago umalis mula sa dulo ng kalsada at bago lumiko. Kailangan rin gamitin ng mga drayber ang signal light bago lumipat ng lane o iba pang mga di nakokonsiderang pagbabago sa posisyon ng sasakyan sa tabi ng isang motorway. Kapag lumilipat ng lane o iba pang hindi nakokonsiderang pagbabago sa posisyon ng sasakyan sa isang tabi ng iba pang kalye sa motorway, kailangang ipahiwatig ng drayber kung kailangan abisuhan ang iba pang mga sasakyan sa daan. Ang indikasyon ay dapat ibigay sa pamamagitan ng paggamit ng mga indicator kung saan ang paglalagay ng mga ito ay kailangang gawin o pinahihintulutan at sa pamamagitan rin ng paglalabas ng kamay nang pahalang sa tabi.
Item 3. Maaaring itakda ng Minister of Transport ang mga tuntunin sa paggamit ng hazard warning lights, kasama ang mga tuntunin sa sapilitang paggamit ng hazard warning lights sa kaganapan ng hindi inaasahang mahabang pila ng trapiko o iba pang agad na peligro sa motorway.
Item 4. Ang mga drayber na humihinto o biglaang binawasan ang tulin, ay dapat ipahiwatig kung kailan kailangang abisuhan ang iba. Ang indikasyon ay dapat ibigay sa pamamagitan ng paggamit ng mga stop light kung saan ang paglalagay ng mga ito ay kailangang gawin o pinahihintulutan at sa pamamagitan rin ng paglalabas ng braso sa labas ng sasakyan.
Item 5. Ang mga indikasyon na binanggit sa mga item 2 at 4 ay dapat ipakita sa tamang oras bago ang nilalayong manobra at malinaw na nakikita at sa maliwanag na paraan. Ang pagbibigay ng indikasyon ay dapat ihinto, o kahit man lang, kapag ang kinakailangang manobra ay nakumpleto.