Mga Online na User: 22
top

Mga tuntunin sa trapiko para sa mga drayber

Pagpoposisyon, pagliliko at pati na rin pag-atras at pagbabago ng lane.


 

Pagpoposisyon sa kalsada

Bilang konsiderasyon sa iba pang mga pangkalahatang trapiko at kondisyon, ang drayber ay dapat gumawi sa pinaka-kanan hangga’t maaari.

Kung ang kalsada ay mayroong tatlong lane, hindi maaaring gamitin ng sasakyan ang lane na matatagpuan sa pinaka-kaliwang direksyon ng trapiko maliban kung ang trapiko sa kalsada ay one-way.

 Ang distansya sa sasakyan sa unahan ay dapat i-angkop sa isang paraan na walang peligro na mabangga kung ang sasakyan sa unahan ay huminto o biglang binagalan ang pag-andar. Sa mga sasakyan kung saan may mga ipinapataw na espesyal na limitasyon sa tulin, basahin ang Section 43, dapat na sa labas ng isang lubos na maraming gusaling lugar, ay panatilihin rin ang nasabing distansya sa sasakyan na nasa unahan para ang mga nag-overtake na sasakyan ay makakapagmaneho sa pagitan ng nasabing sasakyan at sa sasakyan sa unahan nang walang panganib.

Ang drayber ay dapat manatili sa kanan ng traffic island, sa may ilaw na poste at iba pang katulad nito na nakakabit o nakalagay sa kalsada. Gayunman, ang drayber ay maaaring magmaneho sa kaniyang kaliwa kung ito ay nakasaad sa marka o sa balangkas na matatagpuan sa mga kalsada na may one-way na trapiko.

Ang mga sasakyan na ginamit para sa kalsada ay maaari, nang may lubos na pag-iingat, imaneho kung kinakailangan nang isinasaalang-alang ang trabaho.


Mga Seksyon

Section 42. Pangkalahatang mga limitasyon sa tulin

Section 42. Sa iba pang mga kalsada maliban sa mga motorway at carriageway, ang tulin ng sasakyan ay di maaaring humigit sa mga sumusunod na limitasyon:

  1. sa mga lugar na maraming gusali: 50 km kada oras,
  2. sa labas ng mga lugar na maraming gusali: 80 km kada oras.

Item 2. Sa mga motorway, ang tulin ay hindi maaaring humigit sa 130 km kada oras.

Item 3. Sa mga carriageway, ang tulin ay hindi maaaring humigit sa 80 km kada oras.

Item 4. Sa kahabaan ng kalsada, ang mas mataas na limitasyon sa tulin kaysa sa karaniwang limitasyon sa tulin ay matatakda kung ang mga pangyayari, kasama na ang daloy ng trapiko, ang nag-uutos kung paano ito dapat at ang konsiderasyon sa kritikal na kaligtasan ng trapiko ay hindi ipinapatupad nang salungat dito. Gayunman, sa mga carriageway at motorway, ang tulin ay di maaaring humigit sa 100 km kada oras at 130 km kada oras.

Item 5. Sa kahabaan ng kalsada kung saan wala itong responsibilidado nais na pahintulutan ang pagmamaneho na may mga tulin na naaayon sa pangkalahatan limitasyon sa tulin, maaaring magtakda ng mas mababang limitasyon. Sa mga lugar na maraming gusali, ang mas mababang limitasyon ng tulin para sa mas limitadong lugar ay maitatakda sa kaparehong paraan.

Section 43. Tulin para sa mga espesyal na uri ng sasakyan

Section 43. Para sa mga bus, ang gross weight na higit sa 3,500 kg, ang tulin ay hindi maaaring humigit sa 80 km kada oras na walang pagsasaalang-alang sa Section 42. Para sa mga bus na sumusunod sa mga kondisyong itinakda ayon sa item 10, ang tulin sa motorway ay hindi maaaring humigit sa 100 km kada oras.

Item 2. Para sa iba pang mga kotse, ang pinapahintulutan na gross weight na lumampas sa 3,500 kg (mga karwahe) at para sa mga pinagsamang sasakyan na binubuo ng isang karwahe o bus, ang pinapahintulutang gross weight na humigit sa 3,500 kg at isang kailangang irehistrong trailer, ang tulin sa ibang mga kalsada ay hindi kailanman dapat humigit sa 70 km kada oras anuman ang nakasaad sa Section 42.

Item 3. Para sa mga kotse na may pinahihintulutang gross weight na higit sa 3,500 kg, ang tulin sa iba pang mga kalsada maliban sa mga motorway, nang hindi isinasaalang-alang ang Section 42, ay di maaaring humigit sa 70 km kada oras kung ang isang trailer, semi-trailer o kailangang irehistro na kagamitan sa pag-tow, kasama na ang caravan, ay nakakabit. Ang parehong tuntunin ay ipapataw sa mga motorsiklo kung ang isang trailer ay nakakabit o isang kailangang ireshitrong kagamitan sa pag-tow. Para sa mga kotse na sumusunod sa mga kondisyong itinakda ayon sa item 11, ang tulin sa iba pang mga kalsada bukod para sa motorway ay hindi maaaring humigit sa 80 km kada oras.

Item 4. Para sa mga sasakyan na binanggit sa ilalim ng mga item 2 at 3, ang tulin sa motorway ay di maaaring humigit sa 80 km kada oras nang hindi isinasaalang-alang ang Section 42. Para sa mga kotse na kasama sa ilalim ng item 3, na sumusunod sa mga kondisyong itinakda ayon sa item 11, ang tulin sa motorway ay hindi maaaring humigit sa 100 km kada oras.

Item 5. Para sa mga kotse at motorsiklo na nakakabit sa mga di kinakailangang irehistro ang kagamitan sa pag-tow at para sa mga traktora at makinarya, ang tulin ay di maaaring humigit sa 30 km kada oras anuman ang nakasaad sa Section 42. Para sa naaprubahan at nakarehistrong mga traktora at makinarya, at pati na rin ang mga pinagsamang sasakyan na binubuo ng isang naaprubahan o nakarehistrong traktora o naaprubahan o nakarehistrong makinarya ay nakakabit sa isang naaprubahan o nakarehistrong kagamitan na pang-town, kung saan ay nakakasunod ito sa mga kondisyong itinakda ayon sa item 12, ang tulin ay di maaaring humigit sa 40 km kada oras.

Item 6. Para sa mga de motor na sasakyan o mga sasakyan pinagsama kung saan ang isa o higit pang mga pares ng gulong ay may solidong takip sa gulong, ang tulin ay di maaaring humigit sa 15 km kada oras anuman ang nakasaad sa Section 42.

Item 7. Sa rehistrasyon o aprubasyon ng isang de motor na sasakyan, may espesyal na pinababang limitasyon sa tulin na maitatakda kung ang konstruksyon ng sasakyan ay dahilan kung bakit kinakailangan ito.

Item 8. Maaaring magtakda ang Minister of Transport, kung kinakailangan ito ayon sa mga kondisyon, ng mas mataas na limitasyon sa tulin kung ikukumpara doon sa mga binanggit sa ilalim ng mga item 1-5, na naaangkop sa mga espesyal na uri ng sasakyan kung ang kaligtasan ng trapiko o sa teknikal na mga kadahilanan ng sasakyan ay di salungat dito.

Item 9. Anuman ang mga regulasyon sa ilalim ng item 4, ang Danish Minister of Transport ay maaaring magpasa sa pagpapatupad ng mga pagsusubok na may mas mabilis na tulin sa mga motorway para sa mga sasakyan na binanggit sa ilalim ng mga item 2 at 3.

Item 10. Maaari rin magtakda ng mga tuntunin ang Danish Minister of Transport kung saan ang mga kondisyon ay dapat matugunan para maaaring maimaneho ang isang bus ng hanggang 100 km kada oras, sumangguni sa mga item 1, point 2.

Item 11. Maaaring itakda ng Danish Minister of Transport ang mga tuntunin na kung saan ay kailangang sundin ang mga kondisyon para ang mga kotse na may pinahintulutang gross weight na hindi hihigit sa 3,500 kg na nakakabit sa isang trailer, semi-trailer o kailangang irehistrong kagamitan na pang-town, kasama na ang caravan, ay maaaring imaneho nang hanggang 100 km kada oras sa mga motorway at hanggang 80 km kada oras sa iba pang mga kalsada bukod pa sa mga motorway, basahin ang item 4, point 2 at item 3, point 3.

Item 12. Ang Danish Minister of Transport ay maaaring magtakda ng mga tuntunin kung saan ang mga kondisyon ay dapat sundin para ang mga naaprubahan o ang mga nakarehistrong traktora at makinarya, at pati na rin ang mga pinagsamang sasakyan na binubuo ng isang inaprubahan o nakarehistrong traktora o isang naaprubahan o nakarehistrong makinarya na nakakabit sa isang naaprubahan o nakarehistrong kagamitan na pang-tow ay maaaring magmaneho nang hanggang 40 km kada oras, basahin ang item 5, point 2.

Section 43a. Para sa malalaking mga moped, ang tulin ay di kailanman dapat humigit sa 45 km kada oras anuman ang nakasaad sa Section 42. Para sa maliliit na mga moped, ang tulin ay di kailanman dapat humigit sa 30 km kada oras anuman ang nakasaad sa Section 42.

Section 43 b. Ang tulin para sa mga light rail na sasakyan ay di maaaring humigit sa limitasyon sa tulin para sa mga bus, basahin ang Section 42 at Section 42, mga item 1 at 10.

Item 2. Para sa kahabaan ng kalsada kung saan ang mga light rail na sasakyan at de motor na sasakyan ay minamaneho at kung saan ang mga light rail na sasakyan ay minamaneho nang hiwalay sa iba pang traioko, maaaring magtakda ng mas mabilis na limitasyon sa tulin kaysa sa mga pangkalahatang limitasyon sa tulin para sa mga light rail na sasakyan kung hindi ito salungat sa mga kondisyon sa kritikal na trapiko.

Pagliko, atbp.

Sa ganoong mga pangyayari, kung saan ang kalsada ay may dalawa o higit pang mga lane na nakarerba para sa trapiko sa parehong direksyon, dapat iposisyon ng drayber ang kaniyang sasakyan sa pinaka-kanan na lane sa tamang oras kung siya ay kakanan at sa pinakadulong kaliwa ng lane kung siya ay liliko sa kaliwa. Maaari naman iposisyon ng drayber na magmamaneho nang deretso ang kaniyang sasakyan sa lane na kung saan, habang ikinokonsidera ang iba pang mga sasakyan at ang patuloy na pagmamaneho, ang pinaka-naaangkop.

Item 2. Ang mga drayber na gustong baguhin ang direksyon sa pagmamaneho sa isang junction ay dapat, bago ang paghahanda at pagsasagawa ng manobra, tiyakin na magagawa ito nang hindi nalalagay sa peligro o di kinakailangang sagabal sa ibang nagmamaneho sa parehong direksyon.

Item 3. Kapag lumiliko sa kanan, ang sasakyan ay dapat imaneho sa pinakalabas o dulo ng kalsada patungo sa dulong kanan ng kalsada, hangga’t maaari. Hangga’t maaari ay dapat na maliit lang ang pagliko. Kapag kumakaliwa, ang sasakyan ay dapat imaneho, hangga't maaari, patungo sa gitna ng kalsada o, kung ang kalsada ay may one-way na trapiko, patungo sa kaliwang gilid ng kalsada. Ang pag-iikot ay dapat gawin sa isang paraan na kapag ang sasakyan ay nakalabas na sa junciton, ito ay nasa kanan ng kalsada na pinapasukan nito.

Item 4. Kung ang kalsada kung saan lilikuan ng sasakyan ay may dalawa o higit pang mga lane na nakareserba para sa trapiko sa parehong direksyon, anuman ang nakasaad sa mga regulasyon sa item 3, ang pagliko ay dapat gawin sa isang paraan na pinaka-angkop at nang may pagsasaalang-alang sa iba pang trapiko at patuloy na pagmamaneho.

Item 5. Ang kasalubong na trapiko na ang panig nila ay papunta sa isang junction, at kung saan parehong liliko ang mga ito sa kaliwa, ay maaaring daanan ang isa’t isa sa kaliwa nila, kung magagawa ito nang hindi nagdudulot ng panganib o sagabal sa iba.

Ang mga item 1-3 ay ginagamit rin sa pagmamaneho nang patawid o palayo mula sa roadway papalabas ng junction.

Maghanda para sa theory test

Mga online theory test

Ikaw ay magkakaroon ng mga access sa higit sa 1,000 opsyon ng multiple choice. Ang aming mga theory test ay sinubukan sa higit sa 140 mga estudyante bago namin ito inilunsad. Ang lahat ay pumasa sa unang pagsubok.

Pag-iikot, pagpapaatras at pagbabago ng mga lane, atbp.

Bago lumiko o umatras, kailangang tiyakin ng drayber na ang manobre ay magagawa nang hindi naisasapanganib o hindi nagdudulot ng sagabal sa iba. Ang pagliliko ay dapat gawin nang paandar nang paliko sa kaliwa, maliban na lang kung batay sa mga kondisyon ay hindi ito pinapahintulutan.

Item 2. Bago lumipat sa dulo ng kalsada, sa pamamagitan ng pagbabago ng lane o iba pang pagbabago ng posisyon ng sasakyan, kailangang tiyakin ng drayber na ang manobra ay magagawa nang hindi nagiging isang peligro o di kinakailangang sagabal sa iba. Ang parehong tuntunin ay ipinapataw kapag gustong huminto o mabilisang bagalan ng drayber ang kaniyang pagmamaneho.

Item 3. Sa acceleration lane (lane kung saan makakapagpatakbo nang mabilis), kailangang i-angkop ng drayber ang tulin ayon sa trapiko sa lane, na dapat gamitin habang patuloy na nagmamaneho at umalis sa acceleration lane kung ito ay magagawa nang hindi nagdudulot ng peligro o di kinakailangang sagabal sa iba. Ang mga drayber sa lane na papasukan ng sasakyan sa accelaration lane ay dapat, kung kinakailangan, mapadali ang paglalabas mula sa acceleration lane sa pamamagitan ng pagbabawas ng tulin.

Item 4. Kung saan ang bilang ng mga lane na nakareserba para sa trapikong mula sa parehong direksyon ay nabawasan, dapat i-angkop ng mga drayber ang kanilang pagmamaneho ayon sa mga binagong kondisyon habang isinasaalang-alang ang ibang mga sasakyan, kasama na ang posibleng pagbabago ng tulin. Ang parehong tuntunin ay gagamitin sa pagsasanib ng dalawang lane.

Item 5. Ang deceleration lane (Lane kung saan mapapabagal ang takbo) ay dapat gamitin agad sa umpisa ng lane. Ang parehong tuntunin sa mga lane na naka-reserba para sa ilang uri ng trapiko, at pati na rin ang mga lane na ginagamit sa pagliliko.


Pagsasanib ng lane

Kapag nagsasanib ng kalsada, kailangan mong lubos na pag-ingatan ang:

  • Mga sasakyan na galing sa likod mo
  • Ang mga linya sa traffic lane
  • Ang uri ng kalsada

Ang pagbabago ng lane

Kapag nagsasanib ng kalsada, kailangan mong lubos na pag-ingatan ang:

  • Mga sasakyan na galing sa likod mo
  • Ang mga linya sa traffic lane
  • Ang uri ng kalsada