Mga Online na User: 11
top

Ang maliit na theory book

Ang mga pinakamahahalagang tuntunin


 

Mga pangkalahatang tulin

  • 50 km/h sa loob ng isang lugar na maraming gusali
  • 80 km/h sa labas ng isang lugar na maraming gusali
  • 80 km/h Carriageway
  • 130 km/h Motorway

Maximum na mga sukat ng isang sasakyan

Ang lahat ng mga sukat ay mayroon o walang karga

  • Lapad: hindi hihigit sa 2.55 metro
  • Taas: 4 na metro (sukat mula sa ibabaw ng kalye)
  • Haba: 12 metro

Mga regulasyon sa pag-tow

Ang paggamit ng iyong sasakyan para mag-tow ng iba pang sasakyan ay pinapahintulutan. Ang distansya sa pagitan ng mga sasakyan ay maaaring hindi humigit sa apat na metro. Kung ang distansya ay higit sa dalawang metro, ang lubid ay dapat na may malinaw na marka. Ang tulin sa pagmamaneho ay maaaring 30 km/h at hindi hihigit dito. May mga espesyal na regulasyon na ipinapataw sa mga motorway.

Warning triangle

Kapag may banggaan o hindi umaandar na sasakyan sanhi ng sirang motor na mapanganib ang pagkakaparada at may peligro sa trapiko, kailangan mong agad na ilagay ang warning triangle sa tabi ng kalsada. Sa mga ordinaryong kalsada, kahit man lang 50 metro mula sa sasakyan at sa mga motorway ay kahit man lang 100 metro mula sa sasakyan.


Alak

Ang pinakamataas na legal na pinahihintulutang limitasyon sa alak sa dugo ay 0.5 kada mille (sa Faeroe Islands ay ang pinakamataas na legal na pinahihintulutang limitasyon sa alak ay 0.2 kada mille).

  • 0.5 – 1.2 kada mille = may kondisyon na suspensyon
  • Higit sa 1.2 kada mille = ganap na suspensyon
  • 0.8 – 2.0 kada mille = malaking multa para sa Higit sa 2.0
  • kada mille = pagkakakulong

Gayunman, maaari kang multahan sa pagmamaneho ng may kada mille na mas mababa sa 0.5!

Mga instruksyon sa pagmamaneho 

1) Kailangan mong sumunod sa mga instruksyon sa pagmamaneho tulad nang inuutos ng mga senyas trapiko, mga stripe o guhit sa kalsada, atbp. at pati na rin mga traffic lights.

2) Ang kulay dilaw na guhit sa kalsada ay ginagamit para sa pansamantalang pagbibigay regulasyon, hal. para sa mga inaayos na kalsada at dapat sundin sa halip na anumang mga kulay puting guhit sa kalye, atbp.

3) Bilang karagdagang, kailangan mong sundin ang mga instruksyon ng pulis, at kung saan naman may mga senyas trapiko, mga guhit na stripes sa kalsada at traffic lights, o kung saan ang pagmamaneho ay sumasalungat sa iba pang ipinapatupad na regulasyon sa trapiko. Ang mga instruksyon ay mabibigay rin ng ibang awtorisado para dito.

Pagbabago ng traffic lane at pagsasanib ng daanan o kalsada


Pagsasanib ng lane

Kapag nagsasanib ng kalsada, kailangan mong lubos na pag-ingatan ang:

  • Mga sasakyan na galing sa likod mo
  • Ang mga linya sa traffic lane
  • Ang uri ng kalsada

Ang pagbabago ng lane

Kapag nagsasanib ng kalsada, kailangan mong lubos na pag-ingatan ang:

  • Mga sasakyan na galing sa likod mo
  • Ang mga linya sa traffic lane
  • Ang uri ng kalsada

Ipinagbabawal ang pag-overtake

Karaniwan, kailangan mong mag-overtake sa ibang mga sasakyan sa kaliwang parte. Ang mga gumagamit ng kalsada na naghahandang lumiko sa kaliwa o lilipat sa kaliwa, ay dapat ma-overtake sa kanang bahagi, hal. sa loobang parte.

Ang pag-overtake sa mga junction ay ipinagbabawal maliban na lang:

  • Kung mayroong maraming lane sa parehong direksyon ng trapiko.
  • Ikaw ay nag-overtake para lampasan ang isang sasakyan na papunta sa kaliwa.
  • Ang junction ay pinamamahalaan ng mga traffic light o ng pulis.
  • Ang pagtatawid sa trapiko ay may tahasang tungkulin na magbigay daan.
  • Mag-ingat dahil hindi parating sapat ang pagsusunod sa iisang kondisyon na ito lamang.

Ang pag-overtake para maunawan o habang nasa isang krosing ng riles ay ipinagbabawal.

Maaari ka lang mag-overtake sa isang bundok o sa isang pakaliwang kumukurbang kalsada kung saan hindi masyado malinaw ang malawakang pananaw kung may kahit man lang dalawang traffic lane na hindi puwedeng gamitin ng paparating o kasalubong na trapiko. Ang ordinaryong paglalabag sa pag-overtake sa mga junction, sa mga bundok at sa mga kurba ay hindi ipinapataw sa pag-overtake ng mga bisikleta at moped na sumasailalim sa pagrerehistro. Sa kalsada na may tatlong lane, di mo maaaring gamitin ang lane sa pinakadulong kaliwa maliban na lang kung ang trapiko ay one-way sa lahat ng mga traffic lane.

 

Pagmamaneho sa dilim

Maging lubos na maingat sa:

  • Pagpapalit mula full-beam na headlight para maging dipped headlights: 200 - 300 metro bago ang isang paparating na kotse o motorsiklo. 100 - 150 metro bago ang isang paparating na siklista o pedestrian.
  • Tandaan na bagalan ang iyong tulin bago magpalit sa dipped headlights para maayos ang bagong ihahaba ng pailaw na nakikita. Kapag nakakasalubong sa paparating na tapiko sa makikipot na kalsada, ang pinaka-responsableng tulin ay 40 km/h.

Paghihinto at pagpaparada


Ano ang paghihinto?

Anumang uri ng paghinto ng sasakyan ng mayroon o walang drayber ng kahit man lang tatlong minuto. Kung kailangan mong huminto sa isang matinding trapiko o bilang parte ng isang pag-manobra, ito ay hindi makokonsiderang paghihinto ayon sa Road Traffic Act.

Ano ang pagpaparada?

Anumang paghinto ng sasakyan ng mayroon o walang drayber ng kahit man lang tatlong minuto. Gayunman, kung ikaw ay huminto ng higit sa tatlong minuto para ibaba ang mga pasahero o para magpasakay ng mga pasahero, o para magkarga o magbaba ng mga kargada, hindi ito makokonsiderang pagpaparada ayon sa Road Traffic Act.


Ipinagbabawal ang paghihinto at pagpaparada

  • Sa mga foothpath (daanan sa paglalakad), mga cycle track, central reserve (island), mga traffic island, chevron o katulad pa nito sa pangkalahatan.
  • Sa kaliwang panig ng kalsada - maliban sa mga kalye na hindi masyado busy at mga kalye na one-way.
  • Mas malapit sa limang metro mula sa simula ng mga chevron na guhit sa junction.
  • Sa isang junction o mas malapit sa sampung metro mula sa pinakamalapit na dulo ng daanan ng krosing o cycle track.
  • Sa tabi ng isang guhit ng chevron kung ang distansya sa pagitan ng sasakyan at ng linya ng chevron ay mas mababa sa tatlong metro at walang putol-putol na guhit sa kanan ng guhit ng chevron.
  • Sa zebra crossing o mas malapit sa limang metro bago ang krosing.
  • Sa isang krossing ng tren o iba pang krosing.
  • Sa isang viaduct o tunnel.
  • Sa slow lane (Mabagal na lane). Sa itaas o malapit sa tuktok ng bundok.
  • Sa tabi o sa kurba mismo ng kalsada na hindi masyado malinaw ang malawakang pananaw.
  • Sa may tabi ng labasan mula sa cycle track o mas malapit sa limang metro bago ang labasan.
  • Sa isang paraan para ang sasakyan ay sumasakip sa mga senyas trapiko o senyales.
  • Gamit ng walang putol na kulay dilaw na marka sa curbstone.
  • Sa mga hintuan ng bus, 12 metro bago at 12 metro pagkalipas ng karatula o sa tabi ng markang dilaw sa dulo. Sa mga hilera ng taksi.

Ipinagbabawal ang pagpaparada.

  • Sa harapan ng mga pasukan at labasan ng mga ari-arian o ang pasukan at labasang ay pinahirapan.
  • Sa tabi ng iba pang sasakyan na nakaparada sa tabi ng kalsada - maliban sa bisikleta na may dalawang gulong o mga moped o motorsiklo na walang side-car.
  • Mas malapit sa 30 metro mula sa isang krosing ng tren.
  • Masyado malapit sa ibang sasakyan na hindi mo ito mapasukan, o hindi ito maalis mula sa lokasyon nito.
  • Sa pamamagitan ng ‘no parking’ na karatula.
  • Sa isang pangunahing kalsada sa labas ng isang lugar na maraming gusali.
  • Sa pamamagitan ng putol-putol na kulay dilaw na marka sa curbstone.